Quantcast
Channel: Biliran Blogs
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1779

Drew Arellano spends 48 hours in Biliran

$
0
0

GMA Network
March 14, 2013 2:00pm

BIYAHE NI DREW: BILIRAN
Biyernes, 15 March, 10PM on GMA News TV

drewarellano

Biyernes sa Biyahe ni Drew, samahan ang veteran biyahero sa kaniyang extreme nature-tripping sa pang-apat na pinakamaliit na probinsiya sa bansa, ang Biliran!

shiftingsandbar

With just 2,500 pesos in his pocket and just 48 hours to spare, susulitin ni Drew ang bakasyon niya. Bago pa man makapag-check in sa kaniyang hotel, island-hopping agad! Sa Higatangan Island, mapapa-wow si Drew sa 200-meter sand bar at crystal clear waters ng isla. Favorite tourist spot din ang Mainit Hot Springs na nagtataglay ng medicinal sulfur. For 20 pesos entrance fee, tanggal agad ang pananakit ng kasu-kasuan mo. For affordable luxury naman, rekomendado ni Drew ang Agta Beach Resort sa Almeria. For 800 pesos a night, meron ka nang room for 2 people with continental breakfast pa! Ang balita pa, patok daw ang lechong manok dito dahil kakaiba ang paraan ng pagluluto. And speaking of great eats, maraming exotic food na makakain sa Biliran. Isa na riyan ang tuyom o sea urchin na paboritong kainin ng mga Hapon. Pero kung mahal ito sa regular Japanese restaurants, dito aabot lang ng 50 pesos kada takal ang exotic seafood na ito.

tinagowaterfalls

Samantala, dahil nature-lover talaga itong ating biyahero, bibisitahin niya ang ilan sa tatlumpung talon o falls sa probinsiya! Isa riyan ang Ulan-ulan Falls sa Baranggay Sampao. Yun nga lang, kinakailangan niyang maglakad ng 30 minutes bago ito marating. Pero sulit naman daw ang pagod! Nariyan din ang Tinago Falls sa Barangay Cabibihan na may taas na 50 feet! Pero kung family-friendly outing ang hanap mo, sa Recoletos Falls ka na lang pumunta dahil mas mababa ito kaya mas safe para sa buong pamilya.

drewarellano1

Siyempre, hindi makukumpleto ang biyahe ni Drew sa Biliran kung hindi siya tatalon sa Hinagdanan Rock Formations. Hindi ito ang unang pagtalon ni Drew sa famous cliff pero may halong kaba pa rin ang pagtalon niya.

“We felt the need to bumalik dito dahil kung pupunta kayo dito sa area ng Biliran, hindi naman talaga ito nakaplano… sa office ng tourism pero puwede niyo itong sadyain at mag- free fall ng 100 feet above sea level.”

drewarellano2

Bago lumipad pabalik ng Maynila, sisisirin muna ni Drew ang karagatan ng Dalutan Island, isang bagay na hindi raw niya kailanman pagsasawaan.

“Kahit hindi masyadong deep yung dive namin, kitang- kita mo ang gaganda ng mga corals dito. Punong- puno ng corals. Siyempre, kung punong- puno ng buhay na corals punong- puno din ng iba’t- ibang klase ng isda.”

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.

Related Search Keywords:

  • biyahe ni drew preview biliran

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1779

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>